For sharing~
Para po sa ating mga kababayan at ibang travelers within the Philippines :
Narito ang summary ng "uniform travel protocols" para sa lahat nang mga... Local Govt Units (LGUs) na inapruban ng Inter-Agency Task Force (IATF), via IATF Resolution No. 101 dated February 26, 2021
Ito ay para sa lahat ng travelers (sa loob nang Pilipinas) by land, air, sea,⬇️
▪ HINDI NA REQUIRED ang COVID-19 testing maliban na lamang kung ang pupuntahang munisipyo/ siyudad/probinsya ay isasama ito sa kanilang requirement. At kung may testing na gagawin, tanging RT-PCR test lang.
▪ HINDI NA REQUIRED na magpa-Quarantine, maliban na lamang kung nakitaan ang traveler ng symptoms ng COVID-19 pagdating sa kaniyang destinasyon.
▪ HINDI NA REQUIRED na kumuha pa ng Travel Authority / Permit at Health certificates.
However, ang mga kinauukulan ay patuloy na ipapatupad ang minimum public health standards (i.e. physical distancing, hand hygiene, cough etiquette, wearing of face masks and face shields). Sa lahat ng mga ports of entry at exit, ipapatupad din ang clinical and exposure assessment sa lahat ng mga pasahero at ito ay isasagawa under the supervision of medical doctors.