Pakibasa po at maging alerto
Guide para sa mga job applicants for Japan, na kinakailangang mag-undergo ng Japanese language training
■Ang tamang proseso⬇️
1. Licensed agency ang magre-recru...it ng aplikante at magpre-prequalify sa mga ito
2. Ang mga aplikanteng "pumasa sa qualification standards ng agency o ng Japanese Employer na client ng agency", ang syang ipapa-enrol sa training
3. Ang role o authorized activity ng training center ay magturo o magbigay ng training, at magpromote ng training programs nila.
HINDI KAILANMAN trabaho ng training center na makipag-transaksiyon sa aplikante o sa Employer, tungkol sa overseas employment.
4. Before-during and after training, ang licensed agency ang magsasabi sa job applicants (trainees/learners) sa mga susunod na proseso at requirements na may kinalaman sa kanilang overseas employment application.
?Why? Dahil ang licensed agency ang authorized na gawin ito, at sila rin ang kausap ng Japanese Employer.
Please read #3 above.
■Paano kung ang Training Center ang unang nakausap o nakilala ng Japanese Employer.
?Hayaan ng training center na ang Japanese Employer at licensed agency ang magka-transaction dahil pagdating sa usaping safe migration o overseas employment, ang training center ay may limited role lamang.
Please read #3 above.
Puwede ninyong iparating ang payo at paalalang ito sa inyong mga licensed agencies at language training centers~ kailangang maiwasto ang mali nilang proseso (kung mayroon man)
Kung magpumilit ang Training center ninyo na gampanan ang mga roles na hindi nila dapat sakop, papasok sa ILLEGAL RECRUITMENT ang kanilang ginagawa ~ puwede silang maireport sa POEA (8722-1192 or email address poea_airb_osd@yahoo.com). Ang POEA ay mag-iimbestiga at kung mapatunayang nangyayari ang inyong report, ang center ay puwedeng maipasarado.
Let us all stay safe - God bless us all?