Please take time to read
~PLS SHARE~
Hello sa ating mga OFWs and OFW-applicants !!
We wish to know your thoughts~ ipahiwatig ang inyong opinion ha.
... Ang SSS at Philhealth kasi, ginawa nang compulsory ang inyong membership contribution. Naisabatas na ito. Ayos sana, dahil bilang mga overseas workers, need ninyo ng further social protection. Kaso, plano ng SSS at Philhealth na hilingin sa POEA, na gawing requirement sa OEC processing ang payment ng SSS at Philhealth contributions nyo. Gusto nilang itulad ito sa PAG-IBIG. ●Meaning, need ninyong bayaran muna ang mga sumusunod bago maiproseso ang inyong OEC/exit clearance sa POEA:
▪P300 - unang 3 months contribution sa Pag-Ibig
▪P2,400 - contribution sa isang taon sa Philhealth
▪P960 - unang buwang contribution sa SSS
Total : P3,660
●Para naman sa mga magbabakasyon (Balik-Manggagawa) at re-hires (ex-OFW na muling idedeploy sa abroad), plano ng SSS na pagbayarin kayo ng 3 buwang contribution (P960 x 3= P2,880) bago maiproseso ang inyong OEC.
■Ano ang masasabi ninyo sa planong ito ng SSS at Philhealth? Kung may mensahe kayo sa kanila at sa Pag-Ibig, ano yon?
Comment please ~ thank you!