Thank you Team POEA, for the successful webinar on Online Ethical Recruitment!?
To ALL ~
Heto ang contact details ng POEA-AIRB para mai-report sa kanila ang il...legal recruitment activities ng mga individuals/groups/entities. Isama na ang mga social media scammers na karaniwang gumagamit bilang modus, ng mga mapanpanlinlang na Facebook groups/pages.
POEA-AIRB
▪Tel.No. 8-721 0619
▪Email: poea_airb_osd@yahoo.com /
poea.airb16@gmail.com
Pakitandaan -
1) Tanging ang mga recruitment agencies na licensed ng POEA, ang authorized na mag-recruit ng applicants, magpromote or mag-advertise ng job openings, mag-orient ng job applicants tungkol sa overseas jobs
2) Ang role ng TRAINING CENTER ay magbigay ng Training at magpromote ng Training programs/modules nito -- wala nang iba pa.
3) Anumang opisina o sinumang individual na walang lisensiya o authority ng POEA para mag-recruit, pero nagre-recruit or ginagawa ang alinman sa mga activities (na tanging licensed agencies lang ang authorized na gumawa), ay mananagot sa salang "illegal recruitment".
In short, ang tao o kompanya (kasama ang mga TRAINING CENTERS) na nagre-recruit kahit wala itong license o authority mula sa POEA, ay guilty sa "Illegal recruitment".
4) Ireport nang diretso so POEA Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) ang sinumang unlicensed agent/ tao o company, na gumagawa ng ILLEGAL RECRUITMENT ACT
Magtulungan po ang lahat, para maiwasto ang mali, at masabihan ang mga kababayan na gumawa nang tama. Sa panahon lng pandemiya, may mga naging desperado para kumita..sadly, kasama sa naisip nilang paraan ang paglilinlang sa kapwa..tsk.