Please taketine to read this ??
For sharing ?
Kuwentong New Zealand, Part-2
Sa mga aplikante for New Zealand, o mga manggagawang nasa New Zealand na
Dagdag-reminders at payo po.....
(From: Australia&NZ Employment Providers of the Philippines, ANZAEPP)
1• Sa New Zealand work visa application, ang Immigration Advising ay "optional".
2• Walang legal requirement sa New Zealand na kumuha ang Employer ng serbisyo ng Immigration Adviser, para tumulong sa visa application
3• Kung hangad ng Employer na kumuha ng licensed Immigration Adviser para sa work visa application, ang Employer ang magbabayad ng immigration advising fees.
Kung gagawin itong bahagi ng visa application, whether ang Employer man or ang OFW-applicant ang makipagpirmahan ng Immigration Advising agreement, nakasaad dapat sa Agreement na ang kaukulang fees para sa Immigration Adviser ay babayaran ng Employer, at HINDI ng worker. Ito ay dahil nakasaad sa POEA Rules na ang costs ng VISA APPLICATION PROCESS ay chargeable sa Employer at hindi sa worker.
?Kung nasa Pilipinas kayo, ipagbigay-alam sa POEA-AIRB ang agency o Employer na nagpapabayad sa inyo ng immigration advising fees. Labag po ito sa POEA Rules.
?Kung nakarating na sa NZ, ipagbigay-alam ito sa ating Phil.Overseas Labor Office (POLO) sa Wellington.
Sa paghahanap ng trabaho, huwag piliin ang "mabilisan (hindi baleng mahal at irregular) na proseso".Maging matalino ~ makipagtulungan sa gobyerno, nang hindi maloko at ang mga maling gawain ng iba, ay maiwasto▪