Please read
For sharing ?
Kuwentong New Zealand, Part-1
Sa mga aplikante for New Zealand, o mga manggagawang nasa New Zealand na
Dagdag-reminders at payo po.....
(From: Australia&NZ Employment Providers of the Philippines, ANZAEPP)
1• New Zealand is a NO Placement fee country
(So wala kayong babayarang placement fee
kaninuman, before or after deployment)
2• Ang bayad sa visa application processing
ay responsibilidad ng Employer. Malinaw
pong nakasaad ito sa ating POEA Rules.
3• Ang bayad sa Immigration Advising o
pagkuha sa serbisyo ng licensed
Immigration Adviser (kung kailangan,
bilang bahagi ng visa application process),
ay responsibility ng Employer, HINDI ng
aplikante o worker.
4• Huwag pumayag na pumirma ng Immigration Advising agreement, kung ang nakasaad doon ay kayo ang magbabayad ng fees (i e . "1st milestone/2nd milestone payments" or kung anuman ang pinagandang tawag nila sa immigration advising fees).
?Kung nasa Pilipinas kayo, ipagbigay-alam sa POEA-AIRB ang agency o Employer na nagpapabayad sa inyo ng immigration advising fees. Labag po ito sa POEA Rules.
?Kung nakarating na sa NZ, ipagbigay-alam ito sa ating Phil.Overseas Labor Office (POLO) sa Wellington.
Sa paghahanap ng trabaho, huwag piliin ang "mabilisan (hindi baleng mahal at irregular) na proseso".Maging matalino ~ makipagtulungan sa gobyerno, nang hindi maloko at ang mga maling gawain ng iba, ay maiwasto▪