Please share
For sharing:
The "FIRST THINGS FIRST" when applying for an overseas job. Para po sa lahat ng aplikanteng nangangarap mag-abroad, lalo na ang mga nagmamadaling ...makahanap ng trabaho ~ na siyang # 1 targets ng illegal recruiters at scammers.
▪Bisitahin ang POEA website: poea.gov.ph
Tignan ang list of approved job orders ng agency, sa Poea website.
▪Tumawag sa POEA hotline (722-1144 /722-11-55) para itanong kung ang name ng recruiter na kausap ninyo ay registered sa POEA bilang empleyado ng licensed agency;
▪Tawagan din mismo ang licensed agency kung may available pang job order sila para sa position at bansang gustong aplayan.
Ang mga illegal recruiters ay madiskarte - gagamitin ang nakita nilang information ng kahit aling licensed agency sa website ng POEA o sa google, para sa pagre-recruit ng bibitktimahin. Therefore, sundin ang 3 basic steps above, para hindi mabola, masamantala at mabiktima ng kagaya ng Facebook scammers na nasa larawan.