言語を選択してください。

Vui lòng chọn một ngôn ngữ.

Please select a language.

在フィリピン日本国大使館

2019.11.05

DOTr MRT-3DOTr MRT-3 Press Release 05 November 2019 RAIL REP... [在フィリピン日本国大使館]

画像に含まれている可能性があるもの:1人以上、テキスト
DOTr MRT-3

DOTr MRT-3 Press Release
05 November 2019

RAIL REPLACEMENT ACTIVITIES NG MRT-3, NAG-UMPISA NA

...

MAKATI CITY — Nag-umpisa nang palitan ang mga lumang riles ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kagabi, alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Nakapaglatag ng kabuuang dalawang (2) pirasong Long-Welded Rails (LWRs) na tig-180 metro ang haba sa kahabaan ng Buendia hanggang Ayala Station (Southbound).

Matatandaan na nitong buwan ng Oktubre ay sinimulan ang pag-welding ng 4,053 piraso ng riles sa Rail Welding Area sa Taft Avenue Station kung saan pagdudugtung-dugtungin ang 10 piraso ng tig-18 metrong riles upang makabuo ng isang LWR.

Ang pagpapalit ng riles ay gagawin tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw, at target na makumpleto pagsapit ng Pebrero 2021.

Oras na mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.

“Ang utos ni Secretary Tugade, palitan na ‘yung mga degraded at baku-bakong riles. This is long overdue. In fact, ‘yung kasalukuyang degraded state ng ating mga riles ang nagiging dahilan kaya nagiging matagtag ang takbo ng MRT-3. At ‘yang tagtag na ‘yan ay isa sa pinakamalalaking root causes kung bakit tayo nagkakaroon ng aberya,” saad ni Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Bukod dito, inaasahan din na magiging mas mabilis ang takbo ng mga tren, dahilan upang mapaiksi ang headway o waiting time, at madoble ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan ng MRT-3.

Noong ika-26 ng Agosto 2019 ay kumpletong nailipat ang 4,053 piraso ng riles mula Port of Manila patungong Tracks Laydown Yard sa Parañaque.

Ang pagpapalit ng riles ay isa lamang sa mga aktibidad na nakapaloob sa malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

#DOTrPH 🇵🇭
#SulongMRT3
#RailwaysSectorWorks

※本ニュースはRSSにより自動配信されています。
本文が上手く表示されなかったり途中で切れてしまう場合はリンク元を参照してください。